Saturday, February 03, 2007

still awake..

Tapos na nanaman ang week ko. Yawn.. Quarter to 3 na... di pa rin ako tulog.. sinusulit ko sobra ata weekend ko ngayon hehe..

Nu ba gagawin ko bukas??? hmmm hmmm... Baka di na ako siguro aalis ng bahay.. kahit kung gusto ko, di pwede kasi nagbubudget na ako muli dahil naubusan pera ko hehehe.. Basa ko na lang siguro ung phil hist readings namin pati na din gawin ung ITOM project tsaka ung dbms questions.. hehe..

Musta naman araw ko? Ok naman.. Aga ko nagicing kanina kasi balak ko aga pumasok para magawa ko homework ko sa film, mga quarter to 7 na ako bumangon. Nagligo na ako at kumain na lang ng pandesal with liver spread as palaman. Dumating ako sa school mga around 8:10 na ata. Nagabang lang ako sa labas ng classroom namin. Mejo na stuck ako sa pagawa ng hw ko sa film, so mejo nagpatawa ako sa sarili ko by texting sila Olgee kung san tau kakain hehehe... Tuloy, binawalan na ni Iggy boi magtanong sa text.. hahahaha kulet! Anyways, class started and un pala di ipapasa ung assignment. Buti naman.

ITOM, same as usual, wala bago.. lecture lang..Malapit na free cut sayang hehehe.

After ITOM kumain kami sa The Venue, dry run na resto sa tabi ng C3.. Masarap ng pagkain tsaka tama lang ung serving at pricing. Mataas Utitlity points ko dun hehehe.. Kaso mei kasalanan ako sa isang tao nung kumain kami dun.. *SORI TALAGA!!! LIBRE NA LANG KITA NEXT LUNCH -_-'' hehe* Ewan ko ba kasi... pangatlong beses na toh na mei sabog ako ginawa paglunch... hai naku poh... kelangan pala pati lunch time attentive pala ako para di magkamali sa mga sinasabi ko hahahaha...After eating tumakbo agad ako sa BS namin kasi late na pala ako hehehe. Buti naabutan ko ung start nya hehe..After that, stayed in 4th floor kasi break namin..

Phil Hist naman mejo mei panibago ata sa akin pati na din ung class hahaha.. Marami na nagrerecite ulet; pati kami ni Arv, nagrerecite na ulet hahahaha.. Kaso ako kasi parang pinpilit ko hahaha.. so mejo sabog ung mga sagot ko din dun hehehe. Aga naman kami dinismiss so ok naman hehe..

Tumambay kami nila Arv sa prom A muna since aga pa sobra.. mga 45 minutes lang tapos umalis na kami. Nagearly dinner na lang kami para mabilis,*treat ni Jazel hehe* Sinuggest ko sa The Venue (again) kami masarap hehehe.. Iba inorder ko naman this time, kaso mejo bumaba Utility points ko kasi mejo similar lang kinain ko kanina at nung time na un hahahaha.. Dumating din si Edric, kaso tapos na kami kumain hahahaha. Sabi niya sa krispy kreme na lang siya ilibre ni Jazel. Edi pumunta kami mega kasi dun ung krispy kreme.

Nung dating namin, nagorder na kami ng singles since mahal nung dozen. Inoder ko muna New York Cheese Cake. Nung unang kagat ko di naman siya lasang cheese cake, parang matamis lang.. nung nasa gitna ako biglang pumait ung lasa, un pala nasa loob pala ung cheese cake, parang vavarian hahahaha.. Mejo nakulangan pa kami ni Edric edi naground two pa kami hahaha.. Inorder ko naman ung chocolate ice kreme.. Grabe ang tamis ng kreme!!! kala ko parang whip cream, un pala parang icing ng bday cake!!!! GRABE!!! Feeling ko mabubungi na ngipin ko sa sobrang tamis!!!! huhuhu...

After that went to CCF and attended Soulstop..

Grabe ang ginaw talaga this week... ANG SARAP!! hahaaha.. pero ayaw ko kung sobra na hehehe.. sarap talaga ma2log sa ganito panahon.. hehe.. speaking of sleep, 3:14 na!!!! tulog na nga ako!!! hahaha.

Before I end, papakita ko lang sa inyo ung latest version ng How to save a life vid.. Grabe, parang nakakalungkot ung feeling tapos parang natusok ung puso ko kasi parang nakakarelate ako.. pero trying to move on ako so mejo di gaano natusok siya hehe..*feeler!* hahaha anyways eto na.. hope you'll appreciate the song as well.. :)


0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home