Friday, December 22, 2006

Ayos! natapos ko na din ung reaction paper sa physics! ITORg na lang at magreview na lang kelangan ko itapos! hai.. grabe! isang week na nasa bahay lang! nakakanigas! hahaha. Ngayon giniginaw ako sa lamig dahil sa aircon huwaaa..

So yesterday, di ako punta kanila jennie kasi HS Christmas party namin kahapon, tapos sa bahay namin ung venue(oh well...). Ung unang dumating mga 10:30. Ilan minutes later, pinick up ko naman 2 mga kaklase ko sa mega. Di kasi nila alam ung lugar. Mga 12:00 na. Isa isa dumating dahil ang supere traffic sa labas. After a while, dumating sila Trixy, Toper, tsaka si Vince. Mei kasama sila na di ko marecognize. Nagtanong sa akin si Vince kung kilala ko pa ba siya. Nagtaka ako nung una kasi di ko naman kilala toh nung nagiisip ako.. edi sinabi ko lang "umm.. hi? hehehe" mejo nahiya tuloy ako kasi di ko nakilala. Nung pumasok na kami, tinanong ko na si Trix kung sino siya. Mejo nagulat ako sa sinabi niya kasi ung kasama pala nila ung kaklase namin nung grade6 na crush ko!!! hahaha. wah! sobrang nahiya tuloy ako kasi di ko nakilala!!!! wah!!! Oh well na lang.. Since halos lahat dumating na, kumain na kami ng lunch. Daming kwento at laugh trip. Grabe nakakamiss pala. After eating, nag usap usap, ps2, at jamming. Nung mga 4 na, umalis na sila, tapos na din ang party! Inaayos ko ung kalat sa kwarto at diretso nagpahinga muna.

So un lang day ko kahapon. Pagpaxensya niyo na kung bulok ko magkwento ngayon... mejo di ko alam din kung panu ko ikwento hehehe..

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home